Distansya

Hindi nasusukat sa kung ilang kilometro ang layo

Hindi alintana kung taga-Hilaga ka, at taga-Timog naman ako

Pipiliin ko paring puntahan ka

Kahit maipit pa sa traffic ng EDSA

Kahit pagod at puyat pa

Makita lang kita, okay na,

Quota na, ika nga.

At sa mga araw namang hindi kita makakasama,

May hihingin lang ako sayo, kung pwede sana

Kwentuhan mo ako

Ikwento mo lahat

Kahit ano

Ikwento mo lahat ng nangyari sa araw mo

Kung anong laman ng panaginip mo,

Kung anong ulam mo nung agahan,

Ikwento mo lahat ng kaganapan,

Sa bahay man o sa iyong pinapasukan

Lahat ng kadramahan, katatawanan,

Lahat ng nakakapagpa-ngiti sayo,

Pati rin nagpapa-simangot kung minsan.

Pangako, yan ay aking pakikinggan.

Na para bang tayo’y nagkwekwentuhan

Magkatabi sa paborito mong kapihan

Hindi iniintindi ang layo sa kalagitnaan

Dahil heto tayo, nasa magkabilang dulo ng Kamaynilaan.

 

Advertisements